Mabuti Pa Sa Panaginip

Tuesday, March 14, 2017

It was a long story for a dream but a person appearing two times in a week was quite something to tell. After sharing the tale to my cousin, my emotions were triggered after a one-liner exchange. Presenting an impromptu piece as a result:

C: Buti pa sa panaginip, nakakasama mo siya.
T: Buti pa sa panaginip, ok kami.

Mabuti pa sa panaginip, nakakasama ko siya
Na parang dating enjoy lang ang bawat twina
Walang minuto kaming inaaksaya
Dahil when we’re together, parang walang iba

Mabuti pa sa panaginip, parang walang nangyari
Nag-go with the flow na lang kahit hindi mawari
Kung bakit nga ba biglang siya ang nagwagi
Na parang ako’y ulan at siya’y bahaghari

Mabuti pa sa panaginip, wala sa amin ang nainip
Mabuti pa sa panaginip, walang hindi nahahagip
Mabuti pa sa panaginip...

Parang hindi panaginip.

Paano na lang sa paggising ko?
Malulumbay bang muli sa pagkawala mo?
Hahanapin na naman ang oras sayo
At tayo sana’y magkatagpo

Pagmulat ng mata’y lahat nagbago
Sa isang iglap, lahat ay naglaho
Siguro nga’y panaginip lang lahat ng ito

Mabuti pa sa panaginip...

Mayroong tayo.